Pagluluwas ng mga tanong mula sa isang Kategoriya

Ang kagamitang ito ay pinahihintulutan kayong magluwas ng buong kategoriya ng mga tanong sa isang file na teksto.

Tandaan na sa maraming format ng file ay may ilang impormasyon na nawawala kapag ang mga tanong ay iniluwas. Dahil may mga katangian ang mga Moodle na tanong na wala sa maraming format. Hindi mo dapat asahan na ang mga iniluwas mo at inangkat na tanong ay magigi lahat na magkapareho. Mayroon ding ilang uri ng tanong na maaaring hindi puwedeng iluwas. Pinapayuhan namin kayo na suriin ang mga iniluwas na datos bago ito gamitin sa isang kapaligirang pamproduksiyon.

Ang (mga) format na kasalukuyang sinusuportahan ay:

Format na GIFT

Ang GIFT ang pinakakomprehensibong magagamit na pang-angkat/pangluwas na format para sa pagluluwas ng mga tanong ng pagsusulit na Moodle sa isang tekstong file. Dinisenyo ito na maging madaling paraaan para sa mga gurong nagsusulat ng tanong sa isang tekstong file. Sinusuportahan nito ang Maraming-Pagpipiliang-Sagot, Tama-Mali, Maikling Sagot, Tugmaan at Denumerong tanong, gayundin ang pagsisingit ng _____ para sa "nawawalang salita" na format. Tandaan na ang mga Cloze na tanong ay hindi pa sinusuportahan sa kasalukuyan. Maaaring maghalo-halo ng iba't-ibang uri ng tanong sa isang file na teksto, at sinusuportahan din ng format ang komento na nasa linya, pangalan ng mga tanong, puna at bahagdan na timbang na marka. Nasa ibaba ang ilang halimbawa:

Sino ang inilibing sa puntod ni Grant?{~Grant ~Jefferson =walâ}
Si Grant ay {~nakabaon =inilibing ~nakatira} sa puntod ni Grant.
Si Grant ay nakalibing sa puntod ni Grant.{MALI}
Sino ang inilibing sa puntod ni Grant?{=walâ =walang sinuman}
Kailan ipinanganak si Ulysses S. Grant?{#1822}

Marami pang impo hinggil sa format na "GIFT"

Fomat na Moodle XML

Ang pang-Moodle na format na ito ay nagluluwas ng mga tanong sa isang payak na format na XML. Maaari silang iangkat sa isa pang kategoriya ng pagsusulit o gamitin sa iba pang proseso tulad ng transpormasyong XSLT

IMS QTI 2.0

Nagluluwas sa isang istandard na IMS QTI (bersiyon 2.0) na format. Tandaan na lumilikha ito ng pangkat ng mga file sa loob ng isang 'zip' na file. Note that this generates a group of files within

Marami pang impormasyon sa site ng IMS QTI
(bubuksan ang panlabas na site sa isang bagong window)

XHTML

Iniluluwas ang kategoriya bilang isang pahina ng 'istriktong' XHTML. Bawat tanong ay maliwanag na inilalagay sa kanyang sariling <div> na tag. Kung gusto mong gamitin ang pahinang ito nang walang pagbabago, kakailanganin mo pa ring iedit ang <form> na tag sa umpisa ng <body> na seksiyon upang makapagbigay ng angkop na aksiyon (hal., isang 'mailto').

May darating pang mga format, kabilang ang WebCT at anupamang maiaambag ng mga user ng Moodle!