Nabigasyon

Makapagtatakda ka ng iba't-ibang tulong pangnabigasyon para sa isang Pagsusulit na Hot Potatoes .

Pangnabigasyong bar ng Moodle
Ipapakita ang istandard na pangnabigasyong bar ng Moodle sa bintana rin na kinalalagyan ng pagsusulit, sa may ituktok ng pahina.
Pangnabigasyong frame ng Moodle
Ipapakita ang istandard na pangnabigasyong bar ng Moodle sa isang hiwalay na frame sa ituktok ng pagsusulit.
Nakaembed na <IFRAME>
Ipapakita ang istandard na pangnabigasyong bar ng Moodle sa bintana ring kinalalagyan ng pagsusulit, at ang pagsusulit ay ieembed sa isang <IFRAME>.
Mga buton ng pagsusulit na Hot Potatoes
Ipapakita ang pagususlit na may mga buton na pangnabigasyon, kung mayroon man, na itinakda sa pagsususlit.
Isang "Sirit" na buton
Ipapakita ang pagsusulit na may isang "Sirit" na buton sa ituktok ng pahina.
Walâ
Ipapakita ang pagsusulit nang walang tulong pangnabigasyon. a.b. walang pangnabigasyong bar ng Moodle ni pangnabigasyong buton ng Hot Potatoes. Kapag nasagot na nang wasto ang lahat ng tanong sa kasalukuyang pagsusulit, maaaring pumunta ang Moodle sa pahinang pangkurso o ipakita ang susunod na pagsusulit, depende sa kaayusan ng "Ipapakita ba ang susunod na pagsusulit?" na field para sa kasalukuyang pagsusulit.